Sunday, October 12, 2014

Advertisements, Simple at Patok sa Masa.

 Advertisements, simple at patok sa masa.
Persepsyon ng ilang Netizens sa advertisements ng McDonald’s Philippines
 ni Criselle Mae Lambo


                Hindi naman siguro lingid sa ating kaalaman, na halos karamihan sa oras na inilalaan natin sa panunuod ng mga palabas sa telebisyon ay napupunta sa oras ng commercial advertisements (Ad). Kadalasan nga, tayo ay napipikon na dahil sa haba ng oras na itinatatagal ng mga Ad kumpara sa pinanunuod nating palabas o pelikula.


                Minsan, mas lalo tayong naiinis kung ang mga Ad na pinanunuod natin ang paulit-ulit at halos makabisa na ng mga manunuod ang kanilang scripts o theme song dahil sa sobrang kakaulit nito. Hindi rin naman natin sila masisisi dahil maaaring nagbayad sila ng malaki para lang bigyan ng diin ang kanilang mga produkto.


                Sa kabilang banda, marami rin namang mga Ad ang hindi nakakalimutan ng mga manunuod dahil sa tema at epekto nito sa kanila. Halimbawa na lamang ang mga Ad ng McDonald’s Philippines. Sa mga Ad na ito, malalaman natin ang pulso ng mga Netizens tungkol sa mga Ad dito sa Pilipinas.


Ito ang ilang mga halimbawa ng Ad na pumukaw sa ating mga damdamin:

Ang paborito kong apo, si Karen

·         Ito ay tungkol sa isang Lolo na nakalimutan ang kaniyang apo na si Karen, dahil nga dalaga na si Karen tinatawag niya itong Gina. Nagkaroon naman ng kaunting pagtatampo si Karen dahil hindi na siya nito maalala, ngunit sa huli nagtaka si Karen nang hiwain ng Lolo niya ang burger at sabihing “at ito, para sa paborito kong apo, si Karen.”

Smile Ka Rin

·         Isang lalaki ang inilibre ang kaniyang Kuya na may Down Syndrome at nagkukwentuhan sila tungkol sa crush ng lalaki. Nagbigay naman ng payo ang Kuya niya tungkol sa pagngiti.

Selfie Lolo

·         Dalawang lolo ang naguusap sa kung gaano kalayo ang kanilang natakbo, habang palapit naman ang isa pang lolo na may hawak na tungkod. Inasar pa nga ng dalawang lolo ang bagong dating na lolo pero nang itinaas na niya ang dala niyang tungkod, Monopod pala ito at nakapagselfie pa sila.


Ito naman ang ilan sa mga feedbacks ng mga Netizens sa mga nasabing Ad.

Ang paborito kong apo, si Karen

Ø  @Shan Alcorano: :') Bihira ka na lang makakakita ng mga ganitong TVC ngayon! Nahawa na yata tayo ng mga banyaga! KAREN and LOLO WILL ALWAYS BE A PART OF MY CHILDHOOD DAYS!!! Hehe
Ø  @ ella1029: i was teary-eyed when I first saw this commercial and after not seeing it for a long time, it still has the same effect on me... hay
Ø  @ bca871979: This commercial make me cry......I really miss my tatay.....

Makikita natin sa kanilang mga komento na nagustuhan nila ang Ad, napukaw ng husto ang kanilang mga damdamin at hindi ito nagbago kahit halos labing dalawang taon na ito noong huling ipinalabas.


Smile Ka Rin

Ø  @ RMM: wala akong nakitang masama sa ginawa ng McDonalds sa commercial na to...inspiring kaya
Ø  @ jpquintero87: I have high respect for people with special needs. I personally worked with kids with down syndrome and other related cases. I salute McDonald's for making this TV Commercial. It is not always about beautiful/gorgeous faces. Life is not perfect and nobody's perfect. Two thumbs up!
Ø  @ princess mei hui: They are "SPECIAL"... And people should be aware na they have feelings too..hindi yung pagnakita sila halos kutyain... Tao rin sila and we should accept them even if they luck something...


Nagkaroon ng sari-saring pambabatikos ang patalastas na ito dahil sa paggamit ng isang modelong may Down Syndrome, ngunit nakita naman ng iba pang mga manunuod ang tunay na kahulugan at mensahe ng Ad na ito.


Selfie Lolo

Ø  @ glyselle Claveria: Super Fun to Watch this Commercial.
Ø  @ Lemor Bumanlag: One if the coolest commercial ive seen 
Ø  @ Denikka Monsalud: ANG CUTE TALAGA GUMAWA NG COMMERCIALS NG MC .DO


Ito naman ang Ad nagpapakita ng pag-angkop ng mga Lolo sa makabagong panahon ngayon. Marami ang humanga sa patalastas na ito dahil sa ideya ng mga Lolo sa bagong henerasyon.






Konklusiyon


                Bago ko umpisahan ang konklusiyon, ilalahad ko muna ang mga napansin ko tungkol sa mga Ad sa Pilipinas kontra sa ilang mga Ad ng Mcdo.



Ad ng McDonalds

-          Kadalasan, hindi sikat na mga artista ang modelo sa mga patalastas.
-          Hindi nakatuon sa produkto ang Ad
-          Binibigyan ng kakaibang lasa ang mga persepsyon ng mga Pilipino tungkol sa mga patalastas.


Ibang Ad

-          Kadalasan, mga sikat na artista ang kinukuha upang ipromote ang kanilang produkto
-          Lahat ng oras ng Ad ay bumabaling sa endorsement ng produkto, hindi ng mismong nilalaman ng patalastas.
-          Pare-pareho lang ang mga istilo.



                Naipapakita lang ng mga patalastas ng McDonald’s na  hindi kailangan ng mga mamahaling artista upang makuha nila ang gusto ng taong bayan. Sa ngayon, ang McDonald’s ay mayroon ng mahigit 400 branches dito sa ating bansa at patuloy na tinatangkilik ng mga Pilipino. Pinapatunayan lamang nito na ang mga patalastas na ipinapanuod sa telebisyon ay hindi na kailangan pang ulit-ulitin upang tangkilikin ng mga mamamayan. Maaring tangkilikin nga ang iyong produkto dahil sa mamahaling artista na nagendorse dito ngunit babalik-balikan ba ito? Sa panahon ngayon, matatalino na ang mga tao. May mga pagkakataong naiinip na sila sa mga nakikita at napapanuod sa telebisyon. Ayon na siguro ang trabaho ng isang manunulat, ang bigyan ng kulay ang mga nasa media.

                Maaaring putulin ang nakagawian at gumuhit ng panibagong linya sa makabagong paraan. Hindi natin kailangan sumunod sa alon, kung maaari namang salubungin ito. Simple lang ang kailangan, ngunit bakit pa natin ginagawang mas kumplikado? Kailangan lang nitong pumatok sa masa.


Sanggunian:

Youtube.com
Twitter.com
Facebook.com

mcdonalds.com.ph

No comments:

Post a Comment